‘Wag ka na ma-bad trip.

Canceled man ang plano mo pagpunta sa beach with your loved ones, isipin mo na lang na safe kayo ngayon and soon you will walk on the sand and feel the salty breeze.

Tiis-tiis na lang muna. Doon naman tayo magaling ‘di ba? Ang magtiis.

Things to do during Holy Week 01

It may have not turned out the way you expected it but you can still make this Holy Week a holiday to remember and grasp kung ano ba talaga ang meaning nito.

Try these.

Binge-watch movies that will inspire you.

Hindi lang si crush ang source of inspiration, ‘no.

Sama mo na ‘to sa list ng i-bi-binge watch mo this Holy Week. Try mo ‘yung Breakthrough, God’s Not Dead, The Shack, and the like. These movies are great breathers sa kaliwa’t kanan na news about the novel coronavirus.

Things to do during Holy Week 02

Basahin mo naman ‘yung love letter ni Jesus for you.

Holy week is the time to remember what Jesus has done for you, pero gets mo ba talaga what He had to go through just to express how much He loves you?

Mas sweet pa ‘to sa good night text ng jowa mo.

Buksan mo kasi ang Bible mo. If wala ka, you can download an app like YouVersion. Meron din itong Bible audio if hindi mo trip magbasa.

Para hindi naman overwhelming, you can start with the 4 Gospels – Matthew, Mark, Luke, or John para mas makilala mo kung sino si Jesus.

Kung visual learner ka naman, wala kang takas. Search mo sa Youtube ‘yung Bible project or download The Chosen app for free. Ilan lang ‘yan sa mga puwede mong panoorin.

Pramis! Hindi ka magsisisi.

Things to do during Holy Week 03

Pray with a friend.

Kumusta ang puso mo ngayon?

‘Yung totoo ah!

‘Wag mo kayanin lahat. Ayan ka na naman eh. Kung natatakot ka, nalulungkot, nag-a-alala during this coronavirus threat, reach out to someone who can pray for you. May power ang prayers.

Andito kami. You can text us anytime sa 0999-227-1927 or call 8-737-0-777.

I-message mo rin kami sa aming iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or you can email us.

Things to do during Holy Week 04

Alam mo, Breaker.

Hindi man nasunod ang plano mo this Holy Week, pero may mas maganda Siyang plano for you. You were too caught up sa busyness ng life na nakalimutan mo na that this Holy Week is about Jesus and you.

You can always reschedule your plans, pero right now, pwede mo ba Siyang pakinggan?

Ito ‘yung sinasabi ni Jesus sa ‘yo.