Uy, miss niya na mag out-of-town kapag long weekend!

How are you doing so far ngayong ECQ?

Parang last year lang nakaupo ka sa white sand beach, ngayon nakahiga ka na lang sa kama.

This is supposed to be rest day pero now stuck ka na lang sa bahay every day.

“Accept the new normal,” sabi nila.

Ang dali naman kasing sabihin nang iba pero saan ka ba magsisimula?

Parang last month lang nakikipagsiksikan ka sa bus kahit tayuan para makapasok on time but now it’s different.

Sabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) as reported by CNN Philippines in their article Over 2 million workers lose jobs as COVID-19 quarantine measures continue – DOLE, “around 2,073,362 workers have lost their jobs as of April 24. Of this number, around 1.4 million were displaced due to temporary closures of establishments, while over 600,000 personnel reported reduced incomes due to modified working arrangements.”

Are you one of them?

Totoo that the quarantine is implemented para sa safety nang lahat pero kung ikaw ang nawalan ng work at breadwinner ka or work-from-home ka man but unstable pa rin because of the impact ng quarantine sa company niyo, ang hirap tanggapin nang ganun lang.

The struggle is real to wake up each day na puno ng takot, panic, and uncertainty sa future dahil hindi lang naman ang sarili mo ang iniintindi mo. May mga taong umaasa sa ‘yo. Aside from that, ang health nang lahat is under attack because of the coronavirus.

When will this chaos end?

Kung nararamdaman mo ‘to, let us help you.

“What I have found helpful to people is to point out that they are actually going through a loss and once they realise this, they can be more compassionate with themselves and allow themselves to feel what they feel,” says Adam Benson, a psychologist, in an article Unemployment during coronavirus: The psychology of job loss by Damian Fowler in BBC.

It’s true na kailangan mong maging strong for your family kaya natutunan mo nang i-set aside ang nararamdaman mo, but acknowledging na nagagalit ka, natatakot, nag-aalala will help you process what’s been going inside you.

It may take a while to do it because shookt ang lahat sa mga nangyari. You might find yourself na pabalik-balik sa nafi-feel mo pero it’s okay kasi part ‘yun.

Remember din na nawalan ka ng work not because you are incompetent but because of the pandemic that turned the world upside down.

Your job does not define your worth. Hindi ibig sabihin na wala kang work sa ngayon, useless ka na. You are constantly looking for ways para maka-survive kayo ng family mo and that’s a proof that your role is important and significant. You are a frontliner at your own home.

Ngayong Labor Day, your courage and grit to push through sa araw-araw kahit mahirap at sabay-sabay ang problema is worth celebrating.

MABUHAY KA!

Sabi nga ng Southborder sa kanta nilang Rainbow, “There’s a rainbow always after the rain.”

Tandaan mo na hindi laging rainy season, darating din ang time that we will see the rainbow after this coronavirus season.

Kung kailangan mo ng prayer, text away sa 0999-227-1927 or call 8-737-0-777 because we don’t want you fighting this battle alone.

You can also keep in touch with us sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or you can email us.