G na G ka man sa COVID-19 but in retrospect, maybe it’s telling you something valuable about life.

Siyempre hindi dapat isantabi ‘yung gravity ng problema at ‘yung effects nito dahil talaga namang it has destroyed countless of lives from different parts of the world.

Ang point lang is to not come out of this season empty-handed dahil bawat problema ay may kaakibat na lesson.

Ilang weeks na ang nakalipas since the quarantine, muni-muni ka muna.

COVID lessons 01

  1. Mas maging appreciative

Kailangan bang mawala muna bago mo makita ang halaga?

Hindi ito hugot na naman sa love life mo ah. ‘Wag amfee.

Para ‘to sa mga bagay tulad nang makalabas sa bahay nang safe, hugging your loved ones, milktea with barkada na sometimes you take for granted.

But ngayon na alam mo na, may you always count your blessings and cultivate that attitude of thankfulness kahit saan ka mapunta.

COVID lessons 02

2. Mas matatag na relationship

Who would have thought that you’d use video call this much para kumustahin ang mga loved ones mo?

Messenger man ‘yan or Zoom, this pandemic has brought us closer together. It made you realize the importance of family and community. Masyado ka kasi naka-focus sa work or studies na nakalimutan mo na that relationships are what lasts.

If what you do is just scroll through your feed buong araw hanggang matapos ang quarantine, you are missing it. Do not let this time pass you by. Create meaningful memories with your loved ones because these are treasures worth keeping hanggang sa pagtanda mo.

Gets?

COVID lessons 03

3. Mas alagaan ang self

This SARS-CoVid-2 outbreak surely is a wake-up call na kailangan mo na mag-Zumba, este, mag-exercise.

Kung dati inaabuso mo ang katawan mo kaka-OT, ngayon mas-conscious ka na sa health mo. Keep that.

Never forget ‘yung tinuro sa ‘yo ni mama at papa nung bata ka pa – mag-exercise tuwing umaga, uminom ng vitamins, takpan ang bibig at ilong kapag sisinga o uubo, kumanta ng 2 happy birthdays habang naghuhugas ng kamay – kahit matapos ang outbreak na ito because this can save your life and the lives of many.

COVID lessons 04

4. Mas wais sa pag-boto

Just by scrolling through your feed, you will know kung sino-sino ang karapat-dapat iboto sa susunod na eleksyon.

Peymus ba ang lider na ito because of his/her outstanding service during this time of calamity or peymus siya dahil wala or kakaunti lang ang naiambag sa lipunan?

Use this time to observe, asses, and gather facts na makakatulungan sa ‘yo to make a wise decision.

COVID lessons 05

5. Mas stronger ang faith kay God   

Because no matter how the news get ugly, you remember to pray for your and your family’s safety.

Pero hindi lang nagtatapos doon ‘yun. God wants to have a relationship with you.

Gusto mo ba Siyang mas makilala pa?

COVID lessons 06

Share mo naman ‘yung mga lessons na natututunan mo during this quarantine.

We want to hear from you!

Text mo agad kami sa 0999-227-1927 or call 8-737-0-777.

You can also connect with us through iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.

Bago matapos ang quarantine na ito, may you be more rooted and grounded in love and may you always see the world through the eyes of compassion.

We will come out of this stronger! Laban, Pilipinas!