You are not forgotten.

Fatherless on Fathers Day 01

Okay lang na hindi maging strong ngayon at aminin na hindi mo na kaya.

Hindi mo na kaya ‘yung sakit. Hindi mo na kaya magtiis. Hindi mo na kaya ‘yung bigat na nararamdaman mo. Hindi mo na kaya umasa ulit na may magbabago pa. Hindi mo na kaya lumaban.

Okay lang.

This day may be hard for you because while others are celebrating, naaalala mo ‘yung father mo na pumanaw na. ‘Yung father mo na iniwan ka. ‘Yung father mo na kinalimutan ka dahil masaya na siya sa iba. Your father who physically and verbally abuse you. Your father na nandiyan naman pero hindi mo ramdam ‘yung presence niya.

Why does it have to be this painful?

Bakit ‘yung akala mo pang magmamahal, magpo-protekta, at magtatanggol sa ‘yo?

Bakit?

Hindi mo ba deserve mahalin? Pabigat ka ba? May mali ba sa ‘yo? Kulang pa ba ‘yung sacrifice mo? Ano pa bang kailangan gawin para hindi ka na saktan? Para hindi ka na iwan? Para hindi ka na ipagpalit?

Fatherless on Fathers Day 02

Gusto mo lang naman maramdaman ‘yung pagmamahal ng isang ama pero bakit ang hirap-hirap ibigay nun?

Nagagawa naman nang ibang tatay, pero bakit siya hindi?

Nakakagalit. Nakakainggit. Nakakabalisa. Nakakapagod.

Para kang tumatakbo nang nakagapos sabay sigaw ng, “TULONG!”

May nakikinig ba?

May sasagip ba?

May magmamahal pa ba?

Breaker, hinga kahit ayaw mo na.

Andiyan Siya.

Fatherless on Fathers Day 030

Naiintindihan namin that after all the pain you have suffered para ka bang nabingi, nabulag, namanhid.

Pero today, ikaw na nagbabasa nito ngayon.

We want you to know na may Amang nagmamahal sa ‘yo – your Heavenly Father. It’s hard to believe and accept that because you were not treated right by your earthly father, but kumakatok Siya sa puso mo ngayon.

Gusto ka Niyang pagalingin from all your wounds dahil mahal ka Niya. Oo, may nagmamahal sa ‘yo at kamahal-mahal ka.

Breaker, kamahal-mahal ka.

Tama na ang pagtakbo nang nakagapos.

Your help is here.

Your Heavenly Father wants to be your restorer, protector, provider, defender, and comforter right now.

Mahal na mahal ka Niya, tinatanggap mo ba?