Maikli lang ‘to, pramis.

After this, puwede ka na ulit manood ng Netflix.

The great exchange 01

If you think na boring ang Holy Week mo kasi #Staycation ka lang this year dahil sa coronavirus na ‘yan, mukhang may na-miss ka ‘ata.

Hindi lang naman kasi about planning the perfect long weekend getaway ang Holy Week, although, talaga namang opportunity rin ito to escape from the hustle and bustle of life. But then, it’s more than that.

Hear us out dahil importanteng ma-gets mo talaga ‘to bago ka manood ng Netflix.

The great exchange 02

Holy Week is about Jesus and His sacrifice FOR YOU.

Baka iniisip mo, “Alam ko naman ang ginawa ni Jesus, eh.”

Alam mo as head knowledge but do you truly believe it with YOUR HEART?

Ganito kasi ‘yan.

Jesus was rejected so you can be God’s sons and daughters.

Naalala mo ‘yung sinabi ni Jesus sa cross na, “My God, my God, why have you forsaken me?” in Matthew 27:46? Jesus was completely abandoned for your sake para hindi mo ma-experience ang maiwan at mapabayaan.

Before kasi, you were separated from God because of your sins pero dahil sa ginawa ni Jesus, you are now united with Him!

The great exchange 03

Jesus took your sins so you can have right standing with God.

Alam mo ba na sabi sa 2 Corinthians 5:21, God made Jesus who had no sin to be sin for you, so you could be put right with God?

Kailangan mo maintindihan that sin is a violation against God but Jesus carried all the sins of the world pati ‘yung iyo so you can be made right in the eyes of God.

Eto pa.

The great exchange 04

Jesus experienced death so you can have eternal life.

Get this. Tayo dapat ang nakapako at deserving na mamatay sa krus as a punishment sa kasalanan natin BUT JESUS took our place and experienced death for our sins.

Why?

Kasi nga MAHAL ka Niya!

Manood ka ulit ng The Passion of the Christ sa TV tapos isipin mo ginawa ni Jesus lahat ‘yun para sa ‘yo. Ewan na lang kung hindi ka maiyak.

The great exchange 05

Hindi ka makapaniwala, ‘no?

Ayan ang tinatawag na GRACE. “Grace is the unmerited, undeserved, unearned kindness and favor of God,” says Ps. Mike Todd in his message on Grace Is // Grace Like a Flood (Part 1).

Grabe ‘yung love ni God for you, ‘no? Mas sweet pa sa jowa mo.

Ang kailangan mo lang gawin ngayon is to accept Jesus in YOUR HEART.

Ganun lang ka-simple.

Click mo lang ito.

The great exchange 06

Actually, marami pang ginawa si Jesus for you. Gusto mo pa ba malaman kung ano ang mga ito?

Text mo lang kami sa 0999-227-1927 or call 8-737-0-777.

Reach us also sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or you can email us.