Ganoon lang talaga s’ya. Personality n’ya ‘yon.

Talaga ba?

love or abusive

Are you in a relationship where you feel like wala ka nang ginawang tama?

Sobrang unpredictable ang temper ng partner mo, grabe s’ya magselos, at kontrolado n’ya ang kilos mo.

So what, isn’t this normal?

It may be a hard pill to swallow pero no – hindi normal ‘yan. What you are experiencing may be actual signs na you’re in an abusive relationship.

Hindi lang ‘yan. According to HelpGuide in their article entitled Domestic Violence and Abuse, the most obvious sign of abuse can be seen when you’re together pero balot ka lagi ng takot. You always watch your every move kasi baka mag-explode na naman siya. Minamillit ka niya and sinisisi ka sa mga actions niya.

Abuse is “a pattern of behavior used by one person to gain and maintain power and control over another,” says REACH in their article entitled 6 Different Types of Abuse.

Yes, ang abuse hindi lang physical. It can be sexual, verbal, emotional, and financial.

there are different kinds of abuse

When you say sexual, ito ‘yung kapag fino-force ka niya makipag-sex kahit ayaw mo. Or sinasabi niya sa’yo that you’re not good enough at it or sa sex ka lang magaling, sabi ng REACH. Kung baga, the person sees you as a property or a sex object.

Kapag naman verbal or emotional abuse, the person constantly shames, manipulates, criticizes, isolates, and threatens you. Ipapamukha niya sa’yo na siya ang superior and without him/her you are nothing para hindi ka umalis sa relationship, says Healthline in their article entitled What Is Verbal Abuse? How to Recognize Abusive Behavior and What to Do Next.

love stained by abuse

Kapag naman you’re financially abused, the person controls your ability to acquire, use, and maintain your financial resources, as explained by Sherri Gordon of Verywell Mind in her article entitled How to Identify Financial Abuse in a Relationship. Wala kang complete access sa money mo and kapag may money ka naman, need mong i-report sa kanya ang bawat gastos mo.

Lahat ng ‘yan may malaking possibility na mag escalate pa.

At ang worse pa dito? Papaniwalain ka niya na mahal ka niya after the episodes of abuse would happen again.

identify abuse in a relationship

Hihingi siya ng tawad sa’yo tapos ipaparamdam niya kung gaano ka niya ka-love. Sasabihin niya na ikaw lang ang makaka-help sa kanya, na he/she won’t do it again, and magbabago na siya para lang hindi mo siya iwan. It will be like a cycle kasi ipagpapatuloy niya lang ang pag control sa’yo.

But no. Enough is enough.

Tama na ‘yung pagpapanggap na kaya mo siyang baguhin. Tama na ‘yung paniniwala na love nga yan.

Kung love ka talaga niya, he/she will treat you with honor, respect, and esteem. You deserve more.

true love

God sent Jesus to die for you, para hindi mo na pagdaanan ang totoong punishment for your sins. That is how much God loves you (1 John 4:9). Jesus bore your sins for you, so you can have right standing with God (2 Corinthians 5:21).

That’s how much you are worth. Don’t let other people, including your partner, tell you otherwise.

If you are depressed, scared, and confused sa relationship mo, huwag ka matakot to seek help. Tawagan mo kami sa 737-0-777 or text 0999-227-1927 because we want to pray for you and share about the relentless love that gave up everything just to have you. Pwede mo rin kaming i- email o i-message sa aming iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account.